Sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang naghahanap ng isang pagkaing magdudulot sa atin ng kasiyahan sa abot kayang halaga. Ang temperatura dito sa ating bansa ay pabago- bago dulot na rin ng di- tiyak na klimang sanhi ng "climate change". Ngunit kadalasan ay sobrang init talaga lalo na tuwing tanghali. Huwag nang mag-alala sapagkat ang mga mamamayan ng TONDO, MANILA ay may sagot na sa iyong problema! Ang SWIRLY BITZ!
Ang pangalang swirly bitz ay hango sa "swirly bitz ice cream" ng Jollibee fastfood. Ito ang ginamit na pangalan sapagkat pareho ng flavor ( cookies and cream) ang dalawang panghimagas na ito. Ang swirly bitz ay isang shake na gawa sa keso, gatas na malabnaw, chocolate cookies with vanilla fillings, asukal, tubig, at syempre yelo. Mas masarap ito kung may kasamang itim na sago. Mabibili ito sa Varona St. corner Trinidad, Velasquez, Tondo, Manila. Dahil karamihan sa mga kasangkapan nito ay dairy products, mayaman ito sa calcium pangpatibay ng buto at glucose na galing sa asukal na nagpapalakas o nagbibigay enerhiya sa katawan. Ang huli ay ang yelo na nagbabalanse ng temperatura ng katawan kapag mainit ang panahon. Ang lahat ng ito ay iyong mararanasan sa halagang 15 piso lamang at 18 piso kapag may kasamang sago.Ang swirly bitz ay tiyak na palalamigin ang naiinitang katawan ng mga pinoy at mas patatamasin ang iyong buhay. Ano pang hinihintay mo? Tara at bumili na ng COOKIESulit! COOKIESarap! SWIRLY BITZ!
Rose Anne C. Logana
1T1