Thursday, November 25, 2010

COOKIESulit! COOKIESarap! Sa SWIRLY BITZ NG TONDO nyo lang mahahanap!

Sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang naghahanap ng isang pagkaing magdudulot sa atin ng kasiyahan sa abot kayang halaga. Ang temperatura dito sa ating bansa ay pabago- bago dulot na rin ng di- tiyak na klimang sanhi ng "climate change". Ngunit kadalasan ay sobrang init talaga lalo na tuwing tanghali. Huwag nang mag-alala sapagkat ang mga mamamayan ng TONDO, MANILA ay may sagot na sa iyong problema! Ang SWIRLY BITZ!

Ang pangalang swirly bitz ay hango sa "swirly bitz ice cream" ng Jollibee fastfood. Ito ang ginamit na pangalan sapagkat pareho ng flavor ( cookies and cream) ang dalawang panghimagas na ito. Ang swirly bitz ay isang shake na gawa sa keso, gatas na malabnaw, chocolate cookies with vanilla fillings, asukal, tubig, at syempre yelo. Mas masarap ito kung may kasamang itim na sago. Mabibili ito sa Varona St. corner Trinidad, Velasquez, Tondo, Manila. Dahil karamihan sa mga kasangkapan nito ay dairy products, mayaman ito sa calcium pangpatibay ng buto at glucose na galing sa asukal na nagpapalakas o nagbibigay enerhiya sa katawan. Ang huli ay ang yelo na nagbabalanse ng temperatura ng katawan kapag mainit ang panahon. Ang lahat ng ito ay iyong mararanasan sa halagang 15 piso lamang at 18 piso kapag may kasamang sago.

Ang swirly bitz ay tiyak na palalamigin ang naiinitang katawan ng mga pinoy at mas patatamasin ang iyong buhay. Ano pang hinihintay mo? Tara at bumili na ng COOKIESulit! COOKIESarap! SWIRLY BITZ!


Rose Anne C. Logana
1T1

5 comments:

  1. wow RA!
    ako ay nagk-crave nian dahil sayo. ^_^
    good job! ganda ng gawa mo. ^_^
    -RieL

    ReplyDelete
  2. MAGANDANG ALTERNATIBO...

    para sa mga nagtitipid,nagpapakapraktikal at ayaw nang lumayo para lang mag-"dessert".

    Magandang idea for business.GOOD JOB,tnx sa pagblog..=)

    ReplyDelete
  3. lagi ko rin 'to binibili



    ...kahit gabi.@_@




    Tama lang yang napili mo...
    kahit malamig o mainit madami pa din ang may gusto...



    dahil hindi nakakasawa kahit pauli-ulit.<3

    ReplyDelete
  4. Meron din palang magandang nabibigay kahit simpleng panghimagas lang siya...

    Buti naman at nagawan mo'to ng "blog" dahil maraming pagkain sa Tondo ang di nakikilala kahit na patok pa sila sa madla.



    Pwede rin naman siyang pang-lahatan at hindi lang basta pang masa kaya maganda ang ideya at nalalaman ng ibang tao.


    Nasubukan ko na din ang "swirlybitz" na'to...


    at tama ka,kahit malamig gugustuhin mo parin siya dahil di nakakasawa agad kaya naman akma parin sa pababago-bagong lamig at init sa bansa natin ngayon.

    ReplyDelete
  5. w0w. mukhang gusto kong matikman yang swirlybitz na gawa sa Tondo. At dahil na din sa ito ay kakaiba sa binebenta ng Jolibee. Mukhang ito ay talagang masarap at masustansiya

    ReplyDelete